Thursday, January 9, 2014

Liham para sa editor ng pahayagan tungkol sa mga bata at pamilya sa kalye.

Enero 9, 2014
                                                                                                                           
Mahal kong Ginoo o Ginang,
                             
Magandang araw po. Ako po si Abijah Kathryn Sta.Ana. Isa po akong estudyante sa T.M.A. Ang guro ko po ay ang aking ina. Ako po ay sumusulat sa inyo upang ipaalam ang kalagayan ng mga batang nasa kalye ngayon at ang mga pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay. Nakita ko po sa Edsa ang mga batang kumakatok sa mga kotse upang makakuha ng pera. Dahil sa kanilang ginagawa, posibleng mabangga sila ng mabibilis na kotse. Gusto ko po sanang dalhin ang mga bata na nasa kalye lamang sa bahay ampunan upang mabigyan sila ng pagkain araw araw at maiwas sila sa kapahamakan. Sa bahay ampunan maaari silang matuto at makapaglaro sa ibang bata.Samantalang, gusto ko pong mailipat ang mga pamilya sa ilalim ng tulay sa isang maayos at ligtas na tahanan. bigyan sila ng maliit na bahay, upang meroon silang matuluyan. Maaari po kayong makatulong sa pamamagitan ng inyong mga peryodiko upang maipaalam sa gobyerno ang kalagayan ng mga bata at pamilya sa kalye. Salamat po sa tulong na iniyong maibibigay. 
                                                                                                                               
Nagmamahal po,
Abby

No comments:

Post a Comment